ARALIN 3: BLOG

BLOG: Mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa San Roque, Castilla, Sorsogon sa gitna ng pandemya. Ako si Lara May M. Millena, taga San Roque, Castilla, Sorsogon na isa lamang sa mga mag-aaral na nakararanas ng problema pagdating sa signal. Ang nasabing lugar ay walang gaanong signal. Isa ito sa pinaka pinoproblema naming mag-aaral dito sa aming lugar lalo na at online learning ang paraan ng pag-aaral ngayon na dulot ng pandemya. Hindi madali ang hirap na dinaranas namin, bawat pagpasok at pagbukas namin ng link sa google meet ay kaakibat ang pagbilad namin sa arawan at kung minsan ay inuulan pa, swerte na lamang kung malilim at medyo mahangin. Sa larawan makikita na may kubo upang kahit papaano ay may masisilungan kami sa oras na umulan o masiyadong mainit na ipinagpapasalamat namin sa barangay, ngunit hindi rin sapat upang maprotektahan kami sa malakas na ulan at init. Wala ring ilaw upang makita namin ang mga binabasa namin kapag hanggang gabi ang aming klase at ka...